Press Releases
Mahigit 7 libong kabataan sa MIMAROPA, makikinabang sa mas pinalawak na SPES ng DOLE

Tinatayang mahigit pitong libong mga estudyante at out-of-school youth sa rehiyon ang planong bigyan ng DOLE MIMAROPA ng pansamantalang trabaho ngayong taon sa ilalim ng mas pinalawak nitong programang Special Program for Employment of Students (SPES). 

Ayon kay Regional Director Alvin M. Villamor, may nakalaang mahigit 22 milyong piso ang DOLE MIMAROPA ngayong taon para sa programa na mas pinalawak ang coverage sa ilalim ng bagong RA 10917.  “Sa ngayon, hindi lamang mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral at out-of-school youth ang maaaring makinabang sa programa pati na rin ang mga dependents ng mga displaced workers at mga posibleng mawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng negosyo o work stoppage, at natural calamities. Layunin ng pinalawak na programa na makapag-enrol ang mga beneficiaries nito sa susunod na taon sa anumang secondary, tertiary o technical-vocational institutions,” sabi pa ni Villamor.

 Sa ilalim rin ng bagong batas, ang employment period ng mga beneficiaries ay mula 52 araw hanggang 78 araw o tatlong (3) buwan kung saan ang mga out-of-school youth at mga naka-enrol sa tertiary, vocational o technical education ay maaaring magtrabaho sa anumang oras ng taon, habang ang mga mag-aaral  naman na naka-enrol sa secondary level ay maaaring magtrabaho lamang sa panahon ng bakasyon at Christmas breaks.  Mula naman sa 15 hanggang 25 taong gulang na age requirement, ngayon ay 15 hanggang 30 taong gulang na ang maaaring mag-apply sa programa. Sa karagdagan, ang mga mag-aaral na nagtatrabaho sa mga gawain na may kaugnayan sa kanilang mga kurso ay maaaring makakuha ng katumbas na practicum o on-the-job training credits.

 Mayroon ding insurance coverage sa Government Service Insurance System (GSIS) sa loob ng isang taon ang mga SPES beneficiaries.

 “Katulad ng mga nakaraang taon, katuwang pa rin ng DOLE ang mga Local Government Units sa pamamagitan ng kani-kanilang mga Public Employment Service Offices sa pagpapatupad ng SPES. Patuloy pa rin ang paghikayat sa mga private establishments na makilahok sa programa,” dagdag pa ni Villamor.

 Ang 60% ng sweldo ng mga beneficiaries ng programa ay babayaran ng employer (LGU o pribadong establisyemento) at ang 40% naman ay babayaran ng DOLE na dapat gamiting pambayad sa tuition fee at iba pang pangangailangan sa paaralan. Sa kasalukuyan, maaari na ring bayaran ng LGU ang 100% na sweldo ng mga beneficiaries nito at ang insurance coverage kung ito ay inaprubahan ng DOLE at napatunayang susundin nito ang mga regulasyon ng programa. Samantala, ang mga LGUs naman na nasa mababang kategorya ay maaaring humiling sa DOLE ng mas mataas na porsyento sa pagbabayad ng sweldo ng mga beneficiaries.

 Ang mga nagnanais at kwalipikadong maging benipesyaryo ng programa ay maaaring makipag-ugnayan sa mga PESOs sa mga munisipyo o City Hall at sa Pamahalaang Panlalawigan o sa pinakamalapit na opisina ng DOLE para sa mga kinakailangang dokumento ng programa.

  

End/LORIE DUEÑAS-CATAPANG

 

LCO Designate

[Back]
[Print]
2017-01-20
ATTY ALVIN VILLAMOR

Welcome to the official home of the Philippine Department of Labor and Employment, or D
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.