Press Releases
AGLA

Matatagpuan ang maliit na bayan ng Ferrol mahigit-kumulang labin-tatlong kilometro mula sa Odiongan, ang pinaka-malaki at pinaka-sentrong bayan ng isla ng Tablas sa lalawigan ng Romblon. 

Isang 6th class municipality ang bayan ng Ferrol at ipinagmamalaki nila ang mga naggagandahang mga tanawin at likas na yamang dagat tulad ng puka shells subalit halos wala pang kilalang produktong nagmumula sa kanila.

Dahil sa nakabibighaning kagandahan ng mga baybayin nito, maraming mga local at banyagang turista ang malimit pumasyal sa kanilang lugar at ito ang nakitang pagkakataon ng mga kababaihan ng Barangay Agnocnoc at Bunsoran sa nasabing bayan.

Mula sa Poblacion ng Ferrol, mahigit na tatlong kilometrong malubak at mabundok na byahe ang kailangang gawin bago marating ang Barangay ng Agnocnoc at mahigit islang kilometrong byahe naman bago marating ang lugar kung nasaan matatagpuan ang paggawaan ng Abundant Grace Livelihood Association o AGLA.

Ang Abundant Grace Livelihood Association ay nabuo noong unang bahagi ng 2013 at kinabibilangan ng 40 myembro mula sa pamilya ng mga magsasaka at mangingisda sa Agnocnoc at Bunsoran at nai-rehistro ito sa DOLE noong Desyembre 5, 2013  na may Registration Number 013-1918. Ang AGLA ay ang pinakaunang grupo na nabigyan ng suporta ng DOLE sa bayan ng Ferrol.

               

Layunin ng AGLA ang matulungan ang kanilang mga kabababayan lalo na ang mga kababaihan na magkaroon ng mapagkukunan ng dagdag-kabuhayan upang matustusan ang kanilang gastusin sa pang-araw-araw, lalo na sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Noong una, hindi nila alam kung papaano makakakuha ng tulong mula sa isang ahensya ng gobyerno, ngunit dahil sa pagiging maparaan ng kanilang grupo sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Monica Gacilo, ito ay kanilang nailapit sa DOLE at sa kalaunan sa iba pang ahensya ng gobyerno na bumubuo ng Project GRACE.

Noon kasi naglakas loob kami na lumapit sa DOLE dahil gusto namin na makabuo ng isang association para may pagkakitaan ang mga kababaihan para makatulong sa aming pamilya lalung-lalo na sa mga anak naming nag-aaral. Lumapit kami noon para humingi ng pinansyal na mabuo namin ang aming livelihood ng aming  samahan kaya lumapit kami para mabigyan kami ng grant,” ayon sa presidente ng samahan.

Agad na tinulungan ng DOLE Romblon ang grupo sa pag-aayos ng mga kinakailangang  papeles at pinagkalooban ng DOLE MIMAROPA ng pondo ang kanilang negosyo noong January 21, 2015. Matapos ang proseso ng pagbaba ng pondo sa kanila mula sa Barangay Agnocnoc bilang Accredited Co-Partner ng kanilang proyekto, sila ay nagsimulang gumawa ng iba’t ibang produkto noong May 2015.

Ang AGLA ay gumagawa ng iba’t ibang produkto mula sa katsa (cheese cloth) tulad ng mga throw pillows, shawl, kurtina, cloth chandelier, kulambo, at iba pang mga gamit sa bahay.

                    

Lalo pang naging masigasig ang AGLA sa pagpapaunlad ng kanilang proyekto matapos nilang malaman na ang ginawa nilang kulambo ay nakarating kay Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Nakasali na rin ang grupo sa iba’t ibang trade fairs tulad ng “Sikat Pinoy” at iba pang trade fairs ng DTI sa Palawan, Baguio, Marinduque, San Jose, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro. Nabigyan rin sila ng pagkakataong i-display sa isang show room sa Makati sa isang aktibidad na tinawag na “Great Women.”

Dahil sa pagnanais na pagandahin pa ang kanilang produkto, nagbigay din ng suporta and DOST at DTI pa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa iba’t ibang aspeto ng pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Simula ng naibigay ng DOLE ang suporta sa AGLA, malaki na ang pag-unlad na nangyari sa kanilang grupo.

Simula ng nagsimula ang AGLA, paangat ang kanilang kita. Patunay nito ang mga financial reports na kanilang pinapadala sa DOLE at ang ipon nila sa bangko. Ito ang kanilang Gross Income simula noon 2015:

 

CY

Gross Income

Net Income

May 12-December 25, 2015

96,199.00

58,599.40

January 1-December 25, 2016

198,435.00

67,003.54

January 1-February 25, 2017

19,679.00

9,048.00

 

Isa din sa mga naging bunga ng pag-unlad ng kanilang negosyo ay ang pagkakaroon nila ng mas malawak ng production area.

Dahil sa maganda at de-kalidad na mga produkto, naging mabenta ang kanilang mga gawa sa mga loyal customers. Isa sa mga ito ay si Bb. Jessica Guevarra, may ari- ng isang travel and tours agency at souvenir shop sa Odiongan, Romblon.

Umaasa ang AGLA na lalo pang lalago ang kanilang negosyo sa suporta ng bawat ahensya ng gobyerno na kasalukuyang tumutulong sa kanila. Sa ngayon, patuloy ang kanilang pagpapaunlad ng kanilang negosyo, pagtulong sa bawat kasapi at pagpapatuloy ng pananampalataya sa Ama na ang tulong na kanilang natatanggap mula sa gobyerno ay isang “Abundant Grace” na inilaan sa kanilang pag-angat sa buhay.

 

[Back]
[Print]
2017-09-15
ATTY ALVIN VILLAMOR

Welcome to the official home of the Philippine Department of Labor and Employment, or D
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.