Press Releases
Food Cart

Apatnapu't dalawang taong gulang, tubong Mindoro, hindi nakapagtapos ng kolehiyo at ngayon ay naninirahan sa Odiongan, Romblon kasama ang asawa at isang anak. Sya si Rodelio Jamlid, isa sa maswerteng nabiyayaan ng DOLE ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Individual Kabuhayan Program kung saan ito ay ginamit nilang mag-asawa upang palaguin ang kanilang food cart business. Nagsimula sa pagtitinda si Rodelio gamit ang bisikleta na unti-unti nyang napaunlad at ngayon nga ay may dagdag puhunan pa sya mula sa DOLE na nagkakahalagang 13 thousand 4 hundred twenty five pesos.

             

Ilan lamang sa mga paninda ng mag-asawang Jamlid sa kanilang food cart ang fried and steamed siomai, hotdogs, hotdog sandwiches at juice drinks. Ito ay nakapwesto sa loob ng campus ng Romblon State University.

Bago pa man mag-alas otso ng umaga ay nagsisimula ng maghanda ang mag-asawa para sa maghapong pagtitinda. Kung dati ay umaabot lamang ng mahigit-kumulang isang libo at limandaang piso ang kanilang kinikita sa maghapon, sa ngayon, ayon kay Rodelio, dahil sa tulong-pinansyal ng DOLE ito ay maaaring domoble dahil madadagdagan din ang mga produktong kanilang ititinda. Plano rin nilang magdagdag ng food cart na ipupwesto naman nila sa labas ng campus.

Sa pagbisita ng DOLE Romblon Field Office na pinamumunuan ni Ginoong Carlo Villaflores, kapansin-pansin ang maraming bilang ng mga namimiling estudyante sa mag-asawang Jamlid. Malugod naman ang serbisyong ipinagkakaloob ng mag-asawa sa kanilang mga mamimimili.

Interesado si Rodelio na makasali sa nominasyon para sa Best Individual Kabuhayan ng DOLE na taun-taong ginaganap kung kaya’t ayon sa kanya, sisiguraduhin nilang mag-asawa na mapalago ang pondong ipinagkaloob ng DOLE bilang pagpapakita ng lubos na pasasalamat sa ahensya at sa mga bumubuo nito. 

[Back]
[Print]
2017-09-15
ATTY ALVIN VILLAMOR

Welcome to the official home of the Philippine Department of Labor and Employment, or D
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.